^

Metro

2 dedo sa pamamaril sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 dedo sa pamamaril sa Caloocan
Sa inisyal na ulat, alas-6:50 ng gabi nang mapaslang ng dalawang lalaking lulan ng isang motorsiklo si Jenifer Taporada, 27-anyos, tindera, at naninirahan sa Brgy. 154 Bagong Barrio, ng naturang lungsod. Mag-isang naglalakad si Taporada sa may Peta Street, sa Brgy. 152 Bagong Barrio nang harangin siya ng mga salarin na lulan ng motorsiklo at biglang pagbabarilin saka mabilis na tumakas.

MANILA, Philippines — Isang babae at isang lalaki ang magkasunod na pinaslang ng riding in tandem na mga suspect kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Sa inisyal na ulat, alas-6:50 ng gabi nang mapaslang ng dalawang lalaking lulan ng isang motorsiklo si Jenifer Taporada, 27-anyos, tindera, at naninirahan sa Brgy. 154 Bagong Barrio, ng naturang lungsod. Mag-isang naglalakad si Taporada sa may Peta Street, sa Brgy. 152 Bagong Barrio nang harangin siya ng mga salarin na lulan ng motorsiklo at biglang pagbabarilin saka mabilis na tumakas.

Agad na nasawi ang bikti-ma habang tuluyang nakatakas ang mga salarin. Narekober ng mga imbestigador sa lugar ng krimen ang dalawang napaputok na cartridge buhat sa hindi pa mabatid na uri ng baril.

Matapos nito, alas-11:50 ng gabi nang mapatay naman sa kalapit na Barangay 149 sa Bagong Barrio area ang isang hindi nakikilalang lalaki na  nasa pagitan ng edad 35-40 anyos, may taas na 5’5”-5’8”, nakasuot ng puting t-shirt at shorts.

Nabatid na sakay ng mo­torsiklo ang biktima at binabagtas ang Katarungan Street sa Brgy. 149 nang harangin ng dalawang salarin sakay rin ng motorsiklo malapit sa kanto ng Waling-Waling Street.

Nakita pa ng mga saksi na nag-usap pa ang biktima at mga salarin saka may inabot na bagay ang una bago siya  pinagbabaril.  Agad na tumakas ang mga gunman matapos ang insidente.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa dalawang insidente at inaalam rin kung iisa ang mga suspect sa dalawang pangyayari.

vuukle comment

KILLED BY RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with