^

Metro

Lider ng drug group, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lider ng drug group, timbog
Kinilala ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Restituto Arcanghel ang nadakip na si Renato Tengsico, alyas Atong, 72, dating barangay chairman at residente ng Poblacion Norte, Santiago, Ilocos Sur.

MANILA, Philippines — Nalambat ng pinagsanib na tauhan ng Caloocan City Police at Police Regional Office 1 ang wanted na lider ng isang drug group sa Ilocos Sur sa ikinasang operasyon sa kuta nito sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Restituto Arcanghel ang nadakip na si Renato Tengsico, alyas Atong, 72, dating barangay chairman at residente ng Poblacion Norte, Santiago, Ilocos Sur.

Si Tengsico ay itinuturong lider ng “Tengsico-Cabreros Drug Group” na may operasyon ng iligal na droga sa 2nd District ng Ilocos Sur at nakatalaga bilang Level 2 High Value Target (HVT) ng PRO 1.

Sa ulat, alas-9:30 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang nagsanib puwersa ng Caloocan Police, PRO 1 Intelligence Unit at Ilocos Sur Provincial Police Office makaraang matukoy na nagtatago si Tengsico sa isang unit ng Caldino Apartments sa may Block 1 Lot 28 Shelterville, Brgy. 171 Bagumbong, Caloocan.

Hindi na nakapalag si Tengsico nang makubkob ng mga pulis ang kanyang pinagtataguan at maihain sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Sicto Diompoc ng Branch 72 ng Ilocos Sur Regional Trial Court.

Sa nabanggit na ope­rasyon, nakumpiska sa posesyon ng suspek ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na limang gramo.

Dinala ang suspek sa Caloocan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon habang nakatakdang sampahan ng hiwalay na kaso sa iligal na droga sa Caloocan Prosecutor’s Office.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with