^

Metro

OFW nagpa-abort, dedo nang maubusan ng dugo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
OFW nagpa-abort, dedo nang maubusan ng dugo
Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Nelia Asuncion Sotelo, na karara-ting pa lamang umano sa Pilipinas mula sa pamama­sukan bilang domestic hel-per sa Middle East.

MANILA, Philippines — Patay ang isang 32-anyos na babaeng Overseas Filipino Worker (OFW)  nang maubusan ng dugo makaraang sumailalim sa abortion  habang nakacheck-in sa isang hotel sa Quiapo, Maynila, kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Nelia Asuncion Sotelo, na karara-ting pa lamang umano sa Pilipinas mula sa pamama­sukan bilang domestic hel-per sa Middle East.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Supt. Julius Caesar Domingo ng Manila Police District-Station 3, alas-2:30 nang hapon nang mai-report sa Barbosa Police Commu­nity Precinct  (PCP) ang insi­dente ng abortion sa loob ng Hotel 99 sa R. Hidalgo St. Quiapo, Maynila.

Nabatid na Martes, Hul­yo 10 ala-1:00 ng hapon nang magcheck-in si Sotelo kasama ang kaibigang si Cathe-rine San Jose, 36, sa hotel at alas-2:00 ng hapon ng araw na iyon ay dumating ang suspek na si Luzviminda Tibay, 57, na nagsagawa umano ng abortion na nabayaran ng P10,000.

Miyerkules, alas-2:30 ng hapon nang madatnan ni San Jose si Sotelo na nakahandusay sa comfort room  ng hotel at umaagas ang dugo sa kaniyang kaselanan at walang malay. Lumabas  lamang umano si San Jose para bumili ng kanilang pa­nanghalian at sa pagbalik niya sa hotel ay nagulat sa nakitang hitsura ng biktima.

Base sa attending physician na si Dra. Stephanie Donato, “Septic Shock from Induced Abortion” ang sanhi ng pagkamatay ni Sotelo.

Hawak na ng MPD-Ho-micide Section ang suspek na ipaghaharap ng mga kasong kriminal kaugnay sa pagkamatay ni Sotelo.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with