^

Metro

Inmate ng MPD, nakatakas sa ospital

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakas  sa kustodiya ng Manila Police District-Station 9 ang isang 35-anyos na lalaking may kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na ‘di pinayagang magpiyansa nang magpadala sa ospital dahil sa paninikip ng dibdib, sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Agad iniutos ni MPD director, Chief Supt. Rolando Andu­yan ang manhunt operation laban kay Armand Arroyo, residente ng Leveriza St., Ma­late, na sinasabing sa butas ng comfort room ng Ospital ng Maynila dumaan sa kaniyang pagtakas, sa tulong umano ng kaniyang inang si Ma. Teresa Arroyo.

Inaresto na ang ina kung saan inihahanda na ang kasong obstruction of justice laban dito.

Sinabi naman ni Public Information Office chief, Supt. Carlo Magno Manuel, sinibak na sa pwesto si Chief Insp. Ro­meo Salvador, ang deputy sta-t­ion commander na duty nang maganap ang pagtakas dahil sa command responsibility; ang jailer na si PO1 Lyzer Sagala; at mga escort PO1 Rolly Mendano at PO1 Kelvin Ramirez.

Nabatid na dumaing ng paninikip ng dibdib at pagkahilo ang inmate alas-3:00 ng madaling araw na nagsabing maysakit siya sa puso.

Nang dalhin sa OSMA ay dumating din ang ina na ipinatawag mismo ng inmate.

Nang gumanda na umano ang pakiramdam ng inmate ay nagpaalam na gagamit ng CR at inalalayan ng ina habang nakabantay umano ang mga escort na pulis.

Nakarinig umano ng kalabog ang mga pulis kaya nagtangkang pasukin ang CR subalit pinigilan umano ng ina ng inmate dahil wala umano itong kakayahang tumakas.

Nang hindi na lumabas   ang inmate ay nagalit ang mga pulis nang matuklasang wala na sa loob ng CR at nakita ang butas na pinagdaanan.

Binitbit na lamang si Gng. Arroyo sa MPD-Station 9 para ikulong.

Maging ang mga kinata­wan ng National Police Commission (Napolcom) ay agad nag-imbestiga sa pangyayari para sa kaukulang aksiyon para sa dapat managot.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with