^

Metro

Manager ng kompanya, itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Manager ng kompanya, itinumba
Nakilala ang nasawi na si Jayson Cuadrasal, 31, human resource manager ng Goodyear Steel Corporation sa Quezon City at naninirahan sa Lakas ng Mahirap, Brgy. 12, ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaking manager ng isang kompanya  makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang salarin sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Jayson Cuadrasal, 31, human resource manager ng Goodyear Steel Corporation sa Quezon City at naninirahan sa Lakas ng Mahirap, Brgy. 12, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-6:30 ng umaga nang lumabas ng kanyang bahay si Cuadrasal upang bumili ng almusal sa kalapit na tindahan.  Lingid sa kanyang kaalaman, inaabangan na siya ng dalawang salarin na sumunod sa kanya. 

Bago pa makarating sa tindahan, nagbunot na ng baril ang mga suspek at ilang beses na pinaputukan ang biktima saka mabilis na nagsitakas sa hindi mabatid na direksyon. Agad namang nasawi ang biktima dahil sa tinamong mga tama ng bala buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril. 

Iniimbestigahan naman ng pulisya ang posibilidad na may kaugnayan sa ‘labor dispute’ ang insidente makaraang makakuha ng dokumento sa lugar ng krimen na hinihinalang buhat sa New People’s Army (NPA).

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with