^

Metro

Sorpresang earthquake drill, ikinasa ng MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Sorpresang earthquake drill, ikinasa ng MMDA
Pangungunahan ng MMDA at ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council ang ikaapat na Metro Manila Shake Drill na maaaring mangyari anumang araw sa ikatlong linggo ng Hulyo.

MANILA, Philippines — Para maging makatotohanan ang ikaapat na Metro Manila Shake Drill, nais ng Metropolitan Development Authority (MMDA) na  maging sorpresa ito upang magsilbi aniyang “mind-setting exercise”  at maging alerto sa posibleng pag-atake ng  lindol o “The Big One”.

“Walang makakapagsabi kung kailan tatama ang lindol. Dapat ay palagi tayong handa kaya gusto naming unannounced ang shake drill,” pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia.

Pangungunahan ng MMDA at ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council ang ikaapat na Metro Manila Shake Drill na maaaring mangyari anumang araw sa ikatlong linggo ng Hulyo.

“Hindi namin iaanunsyo ang eksaktong petsa ng shake drill. Ipapaalam na lang ito sa publiko sa mismong araw ng drill,” ani Garcia.

Ang shake drill, ay para mapataas ang kamalayan ng publiko sa posibilidad nang pagtama ng isang 7.2 magnitude na lindol.

“Gusto namin mas makatotohanan na shake drill,” dagdag pa ni Garcia.

Para naman kay Michael Salalima, Metro Manila Shake Drill Secretariat, maglalabas ng broadcast o text message ang mga telecommunication networks sa kanilang mga subscribers sa mismong araw ng drill.

Umaasa rin si Salalima na sasamantalahin ng iba’t ibang stakeholders ang tatlong araw na drill para mabusisi ang kanilang contingency plans.

“Nais naming makita ang antas ng kamalayan at disiplina ng publiko na natutunan sa nagdaang tatlong taon,” ayon kay Salalima.

Magde-deploy ng mga tauhan ang MMDA sa mga emergency operation centers sa apat na quadrants sa Metro Manila.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with