^

Metro

12 drug suspects sa Maynila, huli

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
12 drug suspects  sa Maynila, huli
Ang mga suspek ay pawang mga nadakip ng mga pulis-Maynila sa iba’t ibang lugar sa lungsod dakong alas-11:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng umaga kahapon bunsod ng mas pinaigting na kampanya laban sa droga.

MANILA, Philippines — Labindalawang katao ang pinagdadakip ng mga tauhan ng  Manila Police District (MPD) sa isinagawang ‘round the clock’ drug operation sa lungsod, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Ernesto Licardo, 39; Norberto Lalt, 39, kapwa pintor at residente ng Sta. Mesa, Maynila; Regie Garino, 24; Anthony Caballero, 25; at Guiller Perez, 24, mga tricycle driver habang nagpa-pot session sa No. 1036 Callejon Flores St. Tondo; Omar Lacbayo, 22; Roldan Barbaro, 18; at Nice Cesista, 23 na nakumpiskahan ng tig-iisang sachet ng marijuana sa Vitas Katuparan; Noel Pones, 42 nang salakayin ang isang iligal na pasugalan sa lugar; Delvin de Leon, 33; Nelia Alejandro, 50; at Karen Castillo, 29, na nakuhanan ng 3 sachet ng shabu sa Paco.

Ang mga suspek ay pawang mga nadakip ng mga pulis-Maynila sa iba’t ibang lugar sa lungsod dakong alas-11:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng  umaga kahapon bunsod ng mas pinaigting na kampanya laban sa droga.

Nakalinya na sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUG SUSPECTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with