^

Metro

‘Rapist’ ng 13-anyos timbog sa NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
�Rapist� ng 13-anyos timbog sa NBI
Mismong ang kaanak ng biktima ang nagbigay ng impormasyon sa NBI na madalas umanong magkaroon ng construction project sa Cavite si Solomon.
File

MANILA, Philippines — Isang sub-contractor ng ilang construction company ang nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos ang apat na taong pagtatago sa batas kaugnay sa kasong panggagahasa at pambubuntis sa isang 13-anyos na dalagita noong taong 2014 sa lungsod ng Maynila.

Sa impormasyon mula sa NBI-Anti Organized and Transnational Crime Division (AOTCD), dinakip ang akusadong si Eranio Solomon, nitong Hulyo 6 sa Brgy. Panapaan, Bacoor, Cavite matapos ang ilang buwang surveillance ng NBI. Ito’y upang tiyakin na si Solomon ay ang nagpapakilalang   Ariel D. Ledesma para maitago ang kanyang tunay na pagkakilanlan.

Mismong ang kaanak ng biktima ang nagbigay ng impormasyon sa NBI na madalas umanong magkaroon ng construction project sa Cavite si Solomon.

Nabatid na habang nagtatago si Solomon, nakapanganak na ang kanyang nabuntis na dalagita na ang kanilang anak ay nasa 4-an-yos na sa kasalukuyan.

Inaasahang ililipat na sa Manila City Jail si Solomon sa oras na magbigay ng commitment order ang korte.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with