^

Metro

Briton huli sa panggugulpi sa Indian

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gumawa ng gulo ang dalawang dayuhang lasing sa loob ng isang bar sa Makati City na nagresulta sa pagkakadakip sa isang British national na nanggulpi sa isang Indian national kahapon ng madaling araw.

 Nahaharap sa kasong physical Injuries ang suspek na si Kevin Michael Barton, 39, isang British national na umuupa sa No. 3011 Tivoli Garden, Mandaluyong City base sa reklamo ng Indian na si Jaspreet Singh Kakar, 39, nanunuluyan naman sa No. 38D Pacific Plaza, Ayala Avenue, Brgy. Bel-Air, Makati City.

Sa ulat ng Makati City Police, kapwa nagkakasiyahan sa loob ng Mouligans Bar sa may Kalayaan Ave­nue, Brgy. Poblacion sina Kakar at Barton kasama ang kanilang mga kaibigan nang maganap ang insidente dakong alas-4:20 ng madaling araw.  

 Naglalakad si Kakar sa loob ng bar nang mapadaan sa tapat ni Barton na binati ang suot na Brazilian t-shirt ng una. Inasar umano ng suspek si Kakar na natalo ang kanyang koponan sa football world cup na nagresulta ng kanilang pagtatalo.

 Dito itinulak ng mas malaking si Barton si Kakar na bumagsak sa sahig ng bar. Nang tumayo siya, sinalubong ang biktima ng suntok ni Barton hanggang sa tuluyan nang magkagulo. Naawat naman ang insidente nang rumesponde na ang mga pulis-Makati.

vuukle comment

KEVIN MICHAEL BARTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with