^

Metro

Pinay nurse binugbog ng selosong Mexican

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang Mexican national makaraang ireklamo ng isang Pinay nurse ng pambubugbog sa labas ng isang bar sa naturang lungsod kahapon ng madaling araw.

Nahaharap ngayon sa kasong “physical injury” ang suspek na si Edgar Ivan Moore, 41-anyos, binata, at nanunuluyan sa Durban Hotel, P. Burgos Street, Brgy. Poblacion, ng nabanggit na lungsod.

 Sa salaysay ng biktimang si Dloria Antiporda, 30-anyos, dalaga, residente ng Unit 5J Southwing, Villamor, Pasay City, nagtungo sila ng manliligaw niyang si Moore sa isang bar sa kahabaan ng P. Burgos Street na kilalang dinarayo ng mga dayuhan.  

Nang magtungo sa palikuran si Moore, isa ring dayuhan ang lumapit kay Antiporda at nakipagsayaw sa kanya na pinagbigyan naman nito.  Dito nakita ng suspek ang eksena kaya hinatak niya ang biktima palabas ng bar dakong alas-2:30 ng madaling araw at saka sila nagtalo na nauwi sa panggugulpi sa huli.

Agad namang humingi ng saklolo ang biktima sa mga nakapuwestong pulis sa lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa nasabing dayuhan.

vuukle comment

EDGAR IVAN MOORE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with