^

Metro

Trio umatake sa Malabon: 2 binata utas!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Trio umatake sa Malabon: 2 binata utas!
Sa ulat, alas-8:30 ng gabi habang nag-iinuman ang dalawang biktima kasama ang apat pa nilang kaibigan sa loob ng isang sari-sari store sa Rivera Street, Brgy. Tinajeros nang dumating ang tatlong ‘di kilalang lalaki na lulan ng isang motorsiklo at biglang pinasok ang tindahan. Nang makita ang dalawang biktima, dito na umano sila pinaputukan sa ulo habang hindi naman ginalaw ang iba pang kustomer na nag-iinuman.
File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang binata makaraang pagbaba-rilin ng tatlong lalaki na magkakaangkas sa isang motorsiklo habang nag-iinuman ang mga biktima sa loob ng isang tindahan sa Malabon City nitong Sabado ng gabi.

 Kinilala ng Malabon City Police, ang mga nasawi na sina Jobert Cabigo, 31-an-yos, at si Jhan Cyril Ignacio, 18, kapwa naninirahan sa may Flerida Street, Brgy. Acacia, ng naturang lungsod habang blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga salarin na dalawang lalaki at isang babae.

 Sa ulat, alas-8:30 ng gabi habang nag-iinuman ang dalawang biktima kasama ang apat pa nilang kaibigan sa loob ng isang sari-sari store sa Rivera Street, Brgy. Tinajeros nang dumating ang tatlong ‘di kilalang lalaki  na lulan ng isang motorsiklo at biglang pinasok ang tindahan. Nang makita ang dalawang biktima, dito na umano sila pinaputukan sa ulo habang hindi naman ginalaw ang iba pang kustomer na nag-iinuman.

 Agad na tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Barangay Maysilo habang hindi na nagawa pang maisugod sa pagamutan ang dalawang biktima na idineklarang “dead-on-the-spot.”

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang apat na nagpaputok na car­tridge at tatlong basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril.  

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaslang na patuloy na iniimbestigahan.

vuukle comment

JOBERT CABIGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with