^

Metro

Tulak utas sa barilan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Tulak utas sa barilan

MANILA, Philippines — Patay ang isang kilabot na “tulak” ng droga matapos itong makipagbarilan sa mga pulis sa isang buy-bust operation  kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril, dead on the spot ang suspek na si Magpayo Ocampo “alias Lolo Ed”, taga-#353 Dulong Tangke, Brgy. Malinta ng naturang lungsod.

‘Ayon sa hepe ng Valenzuela City Police na si Sr. Supt. David Nicolas Poklay, naganap ang insidente alas-8:30 kamakalawa ng gabi sa bahay ng suspect sa naturang lugar.

Nagkasa ng isang buy-bust operation ang mga pulis kontra sa suspect na isa umanong  kilabot na tulak ng droga sa lugar.

isa sa mga operatiba ang nagpanggap na bibili ng shabu sa suspect subalit natunugan nito na ang katransaksiyon niya ay pulis.

Dahilan upang maglabas ng baril ang suspek at pinaputukan nito ang pulis na bumili sa kanya ng droga subalit hindi tinamaan.

Dito na gumanti ng putok ang mga police  na nagresulta nang agarang kamatayan ng naturang suspek.

Nakuha sa labi ng suspek ang  isang kalibre .38 revolver, mga bala, 20 pirasong plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia, P174 cash, 1  Samsung cellular phone at  P500 marked money.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with