^

Metro

Preso tigok sa siksikang selda

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Preso tigok  sa siksikang selda
Kinilala ang nasawing preso na si Joel Fernandez Luartes, 36, Zapanta St., Si­nga­long, Maynila.

MANILA, Philippines — Patay ang isang inmate  ng Manila Police District-Station 9 dahil sa paninikip  ng dibdib sanhi ng overcrowded na selda sa Malate, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawing preso na si Joel Fernandez Luartes, 36, Zapanta St., Si­nga­long, Maynila.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Jonathan Bautista kahapon, noong Hulyo 2 pa nang isugod sa Ospital ng Maynila si Luartes matapos makaramdam ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga sa loob ng MPD-Station 9 sa Malate.

Nakita sa katawan ng biktima ang maraming pigsa at posibleng may iba pang karamdaman na aalamin sa isasagawang awtopsiya.

Si Luartes ay naaresto noong Hunyo 14, 2018 sa paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous  Drugs Act of 2002.

Tulad ng mga dating ulat, siksikan sa selda ng nasa-bing istasyon ang dahilan ng pagkakasakit ng mga preso dahil sa kapasidad lamang na 30 ay umabot na ito sa 90 inmates.

vuukle comment

INMATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with