^

Metro

Gunman ng chairwoman, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Gunman ng chairwoman, timbog
Sa ulat ni Chief Inspector Joselito De Ocampo, hepe ng Manila Police District-District Special Operations Unit (MPD-DSOU), ang suspek na kinilalang si Bong Bucquel, parking attendant na kolektor din ng pera mula sa iba pang parking attendant ng Sto. Cristo St., sa Binondo area, at residente ng Baseco, Tondo na siyang bumaril sa biktimang si Brgy. 270, Zone 25, District III Chairwoman Adora C. Usero, 47, ng Camba St., Binondo.

MANILA, Philippines — Nadakip na ang gunman na positibong itinuro ng sugatang chairwoman na bumaril sa kanya noong Hunyo 30, 2018 sa kaniyang tahanan sa Camba St., Binondo, Maynila, iniulat kahapon.

Sa ulat ni Chief Inspector Joselito De Ocampo, hepe ng Manila Police District-District Special Operations Unit (MPD-DSOU), ang suspek na kinilalang si Bong Bucquel, parking attendant na kolektor  din ng pera mula sa iba pang parking attendant ng Sto. Cristo St., sa Binondo area, at residente ng Baseco, Tondo  na siyang bumaril sa biktimang si Brgy. 270, Zone 25, District III Chairwoman Adora C. Usero, 47, ng  Camba St., Binondo.

Hulyo 1, nang kunan ng pahayag ang biktima habang nakaratay sa Metropolitan Medical Center at ipinakita sa kaniya ang larawan na kuha sa closed circuit television (CCTV) para kumpirmahin ang hitsura ng suspek.

Agad nagsagawa ng follow operations sa erya kung saan matatagpuan ang suspek subalit hindi nila ito nakita sa lugar.

Hulyo 3, 2018 , sa matiyagang pagbabantay ay natiyempuhan ng DSOU team dakong alas-7:30 ng umaga ang suspek nang lumutang na sa lugar saka inaresto habang nangongolekta ng pera mula sa mga parking attendant sa Sto. Cristo St., sa Binondo sa tapat ng isang brgy. hall ng Brgy. 269, Zone 6.

Sa naging salaysay ng biktima, nauna na niyang si­nita ang suspek na si Bucquel  na huwag  makialam sa par­king sa lugar dahil hindi naman siya awtorisadong mangolekta sa mga parking attendant subalit nagpupumilit pa umano ito kaya pinayuhan na magpaalam sa hepe ng Manila Traffic and Parking Bureau na si Dennis Alcoreza na hindi ito pinayagan dahilan upang resbakan si Chairman Usero.

Matatandaang noong Hunyo 30 alas 8:30 ng gabi nang barilin si Usero sa loob ng kaniyang bahay. Nang oras na iyon ay  kadarating pa lamang ni Usero sa bahay mula sa oathtaking ceremony sa Philippine International Convention (PICC) matapos muling maihalal bilang Punong Barangay.

vuukle comment

GUNMAN ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with