^

Metro

MRT-3 nagkaaberya; 850 pasahero pinababa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3 nagkaaberya; 850 pasahero pinababa
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, dakong alas-7:53 ng umaga nang pababain ang mga pasahero sa southbound ng Guadalupe Station nang pumalya ang motor ng sinasakyan nilang tren dahil sa mahinang kuryente.

MANILA, Philippines — Kabuuang 850 pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang pinababa matapos magkaroon ng electrical failure ang sinasakyan nilang tren sa area ng Makati City kahapon ng umaga.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, dakong alas-7:53 ng umaga nang pababain ang mga pasahero sa southbound ng Guadalupe Station nang pumalya ang motor ng sinasakyan nilang tren dahil sa mahinang kuryente.

Sinasabing nasira rin ang sub-components ng motor tulad ng regulator at insulator ng tren.

Ang tumirik na tren ay hi­natak pabalik sa MRT-3 depot sa North Avenue, Quezon City para ayu­sin. Habang ang mga pinababang pasahero ay isinakay sa kasunod na tren matapos lamang ang may limang minuto.

vuukle comment

ELECTRICAL FAILURE

METRO RAIL TRANSIT LINE 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with