^

Metro

9 patay sa loob ng 6 na buwan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
9 patay sa loob ng 6 na buwan
Dahil sa dumaraming pasyente na nagkaroon ng leptospirosis maging ang gymnasium ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ay ginamit na rin para sa may 48 pang pasyenteng nagtataglay ng nabanggit na sa-kit. Sinasabing tumaas ang bilang ng nagkaroon ng leptospirosis dahil naman sa tag-ulan at pagbaha.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Siyam na ang namatay sa 36 katao na nagkasakit ng leptospirosis sa Quezon City mula Enero hanggang Hunyo 16 ng taong ka­sa­lu­kuyan.

Ayon ito kay Dr. Rolly Cruz, hepe ng QC Health De­part­ment na nagsabing ang sakit na mula sa ihi at dumi ng daga ay napupunta sa tubig baha.

Anya, kailangang mag- ingat ang mga taong lulusong sa baha dahil maaari itong pagmulan ng sakit na leptos­pirosis.

Sinabi ni Cruz na patuloy ang pagtaas ng kaso ng naturang sakit dahil sa panahon nang tag-ulan kung saan maraming lugar ang madalas na malubog sa tubig baha.

Ang Brgy. Common­wealth ang may pinakama­ta­as na kaso ng leptospirosis na apat ang nagka­roon ng sakit at isa ang namatay mula Enero hanggang Hunyo 16.

Paalala ni Cruz na oras na lumusong sa baha, kaila-ngang magpa check up agad sa health center o sa mga doktor para matiyak na hindi tatamaan ng naturang sakit.

Samantala,  anim namang pasyente ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI)  na mula sa iba’t ibang lugar ang namatay din sa nabanggit na sakit.

Hinikayat naman ni Cruz ang barangay officials sa lungsod na palakasin ang info campaign sa mga nasasakupang lugar upang maiwasan ng mamamayan  na magkaroon ng naturang sakit.  

vuukle comment

NATIONAL KIDNEY AND TRANSPLANT INSTITUTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with