^

Metro

Dalaga huli sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang isang dalaga na sinasabing ‘small time’ na tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad laban sa kanya sa lungsod ng Pasig, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang nasakoteng dalaga na si Princes David alyas “Tet”, 24-anyos, nakatira sa Daang Kalabaw, Magsaysay St., Barangay Manggahan Pasig City.

Si Tet ay naaresto ng mga tauhan  ng Special Drug Enforcement Unit ng Pasig City Police Station dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa harap ng kanyang tahanan.

Isang babaeng pulis ang nagkunwaring bibili ng droga sa suspek nang ito ay posasan at arestuhin.

Nabatid na si Tet ay kabilang sa drug watchlist sa kanilang lugar at karamihan umano sa mga parukyano nito ay mga babae.

Nakuha mula kay Tet ang tatlong pakete ng hinihinalang droga at P2,000 buy-bust money.

Nakakulong ngayon sa Eastern Police District (EPD) detention cell ang suspek at nahaharap sa kasong drug pushing.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with