^

Metro

2 totoy shinotgun ng sekyu, todas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 totoy shinotgun ng sekyu, todas
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga nasawing biktima na sina Angel Lorenzo, 13, grade 6 pupil ng Payatas Elementary School, at Joshua Aquirre, 12, grade 4 pupil ng naturang paaralan, at kap­wa residente ng Kulasi St., Group 2, sa Brgy. Payatas.

MANILA, Philippines — Binaril at napatay ng isang guwardiya ang dalawang totoy na kapwa elementary pupil nang pumasok ang mga ito sa binabantayang gusali  ng una sa Brgy. Payatas, Quezon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga nasawing biktima na sina Angel Lorenzo, 13, grade 6 pupil ng Payatas Elementary School, at Joshua Aquirre, 12, grade 4 pupil ng naturang paaralan, at kap­wa residente ng  Kulasi St., Group 2, sa Brgy. Payatas.

Nasa kustodiya na ng QCPD- Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang suspek na si Jhonell Cordoñez, 22, security guard ng Duralex Security Agency, na nakatalaga sa Baseline Construction Corporation, na matatagpuan sa Farmers St., Group 2, Brgy. Payatas, at residente ng Parola, Tondo, Manila.

Batay sa report mula sa tanggapan ng QCPD- Batasan Police Station 6, nabatid na dakong alas-3:05 ng hapon nang maganap ang krimen sa loob ng binabantayang Baseline Construction Corp. ng suspek.

Naka-duty umano ang suspek nang makita ang mga biktima na pumasok sa loob ng kanyang binabantayang establisimento, sa pamamagitan nang pagsuot sa butas ng bakod, kaya’t binaril niya ang mga ito, na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.

May nakapagsumbong naman sa pulisya hinggil sa naganap na pamamaril kaya’t kaagad na rumesponde sa crime scene sina PO3 Ferdinand Dris, PO3 Ferdinand Cansino at PO1 Robert Gudgad, ng QCPD-PS6, at ina­resto ang suspek.

Narekober mula sa suspek ang service shotgun nito na siyang ginamit sa pamamaril. 

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspect na sekyu.

vuukle comment

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with