^

Metro

Japanese biktima ng salisi sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Japanese biktima ng salisi sa NAIA
Ang biktima ay si Tetsuya Makita, ay pasahero ng Japan Airlines flight JL - 742 papuntang Narita ay ninakawan ng mga babaeng nakakuwentuhan nito noong nakaraan Sabado ng hapon (June 16), personal na nagtungo ito sa airport police para magreklamo sa mga nawala sa kanya nang bolahin at lansehin siya ng tatlong bebot na ang isa ay magaling magsalita ng Nihongo.

MANILA, Philippines — Isang 58-anyos na Japanese ang tinulungan ng mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) airport police matapos itong hindi makasakay ng eroplanong maglilipad sa kanya papuntang Japan dahil ninakaw ang kanyang mga gamit ng tatlong magagandang babaeng mi­yembro ng ‘salisi gang’ habang naghihintay nang kanyang flight may ilang metro ang layo nito sa initial security check-in sa west departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ang biktima ay si Tetsuya Makita, ay pasahero  ng Japan Airlines flight JL - 742 papuntang Narita ay ninakawan ng mga babaeng nakakuwentuhan nito noong nakaraan Sabado ng hapon (June 16), personal na nagtungo ito sa airport police para magreklamo sa mga nawala sa kanya nang  bolahin at lansehin siya ng tatlong bebot  na ang isa ay magaling magsalita ng Nihongo.

 Ayon kay NAIA Terminal 1 Airport Police Chief Jaime Estrella, nakatayo ang biktima   sa nasabing lugar ng lapitan nang makipag-kuwentuhan sa kanya ang tatlong babae na ang isa aniya ay napakaganda na parang artista.

Sa salaysay ng biktima hindi niya namalayan na kinukuha na pala ng mga babae ang kanyang bag na ipinatong niya sa push cart at biglang nagsitalilis hanggang sa hindi na niya makita ang mga ito.

Pagpasok niya sa departure area para mag-check-in sa airline doon na lamang niya napagalaman na nawawala ang kanyang 50,000 Japanese Yen, passport, cellphone at iba pang mga importanteng dokumento.

Dahil sa pangyayaring ito sa ginawa niyang reklamo ay pinayagan siya ni Estrella na sa isang lugar sa kanyang opisina muna matulog ang biktima hangga’t inaasikaso sa kanilang Embahada ang travel document nito na nawala para siya makalabas ng bansa.

Gayunman, pagkatapos makuha ang travel document ay nakasakay na ito ng eroplano papunta sa kanilang bansa at nagpasalamat kay Estrella sa tulong na ginawa nito sa kanya.

vuukle comment

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with