^

Metro

Towing company sinuspinde ng MMDA: Modus nabuko

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang towing company matapos itong maningil ng halagang P1,500 mula sa violator sa anti-illegal parking na sa halip na sa impounding area ng ahensiya ilagay, inilagay ang motorsiklong kanilang hinatak sa kanilang garahe.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia, pinatawan nila ng indefinite suspension ang Arrom Towing Services matapos itong ireklamo ng isang motorcycle rider na nakilala sa pangalang Johnny.

Sa reklamo nito sa MMDA, hinatak ng mga tauhan ng Arrom Towing Services ang kanyang motorsiklo na dinala ng mga ito sa garahe ng naturang towing company na matatagpuan sa A. Bonifacio, Balintawak, Quezon City.

Dito na siya siningil ng halagang P1,500.

Dito na nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng MMDA at nadatnan nila sa garahe ng Arrom Towing Services ang limang motorsiklo na kanilang hinatak paglabag sa patakaran o protocol na pinatutupad ng MMDA.

“All towed vehicles must be brought to the MMDA’s impounding site, no other place,” ani  Garcia.

Bukod pa sa walang kasamang tauhan ng MMDA ang naturang towing company nang manghatak ito ng mga sasakyan at ang MMDA pa rin aniya ang nag-iisyu ng paniket hindi ang towing company.

Nanawagan si Garcia sa lahat na naging biktima ng naturang towing company, na magsampa ang mga  ito ng reklamo.

vuukle comment

JOJO GARCIA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with