^

Metro

Pulis na malaki ang tiyan, bawal sa EPD

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bawal ang mga pulis na malaki ang tiyan sa nasasakupan ng Eastern Police District (EPD).

Ayon kay EPD Director, P/Chief Supt. Alfred Corpus, mahigpit niyang ipapatupad ang pagpapanatili ng 34-pulgada na sukat ng beywang ng kanyang mga pulis.

Si Corpus ay nagsagawa ng surprise inspection sa punong himpilan ng San Juan City Police Station, ga­yun­­din ang limang police community precincts (PCPs) nito at kanyang sinabi na dapat ay sumunod sa kanyang pa­­nuntunan.

Nabatid na dakong alas-11:00 ng gabi kamakalawa nang walang paabisong nagtungo si Corpus sa San Juan City Police, kasama si P/Sr. Supt. Cresenciano Landicho, na hepe ng District Mobile Force Battalion (DMFB).

Wala namang naabutang natutulog na pulis o nag-abandona ng kanilang posisyon si Corpus kaya’t pinaalalahanan na lamang niya ang mga tauhan hinggil sa pagpapanatiling malusog ng kanilang katawan, gayundin ng waistline na 34-inches lamang.

Maliban sa sukat ng beywang, nagpaalala rin si Corpus hinggil sa pagpapanatiling malinis ng kanilang mga presinto, gayundin sa tamang bihis ng mga pulis o pagsusuot ng tamang uniporme habang nasa duty.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng ‘body mass index exa­mination’ ang iba pang tauhan ng EPD na nakatalaga sa Marikina City, Mandaluyong City at Pasig City.

vuukle comment

EASTERN POLICE DISTRICT

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with