^

Metro

Pulis timbog sa multi-million investment scam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang aktibong pulis ang dinakip ng kanyang mga kabaro kaugnay sa multi-million peso investment scam na karamihan sa kanyang mga biniktima ay kapwa niya pulis.

Ang dinakip ay nakilalang si SPO1 Honorio Negrito, 52, na natunton sa kanyang bahay sa Brgy. West Crame sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mina-Aguba ng QC Regional Trial Court Branch 100.

Si Negrito ay huling naka-assign sa QCPD Cubao Police Station bago siya maaresto.

Ayon kay Supt. Rodelio Marcelo ng QCPD-CIDU na si Negrito ay itinuturing na ‘one-man investment scammer’ at ang tinatarget na biktimahin ay kapwa pa niya pulis. Ilan dito ay nakapag-invest na ng may isang milyon buhat sa kanilang retirement funds.

May sampu nang complainant ang direktang nagsampa ng kasong estafa laban dito.

Nagsimula sa ga­nitong aktibidad si Negrito taong 2005 na nanga­ngako ng mata-as na interes, high income sa kanyang mga investors.

Nasa P400,000 ang inirekomendang bail para sa kanyang pansamantalang  paglaya.

vuukle comment

COPS ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with