^

Metro

Pagpiprisinta sa mga suspect, ipinatigil ni Albayalde

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagpiprisinta sa mga suspect, ipinatigil ni Albayalde
Ineeksamin ng mga tauhan ng SOCO ang bangkay ng sinasabing ‘tulak’ ng droga na napatay sa police operation sa may Banana Island, New Antipolo, Tondo Manila.
(Kuha n Joven Cagande)

MANILA, Philippines — Ipinatigil ni PNP chief Director Gen. Oscar Alba­yalde ang pagpiprisinta o pagparada sa mga naaares­tong suspect.

Ang kautusan ni Alba­yalde ay alinsunod sa kautusan ng National Police Commission (NAPOLCOM) noong 2008 na sumesentro sa karapatang pantao ng mga nasasakoteng suspect.

Ang hakbang ay sa kabila ng nauna nang pagpaparada ni Albayalde at iba pang mga opisyal ng PNP sa Camp Crame ng sangkaterbang mga naarestong suspect.

Samantalang maging ang mga scalawags na parak na nahuli sa extortion at iba pang kasong kriminal ay ipinarada rin ni Albayalde sa Camp Crame bilang patunay umano na seryoso ang PNP sa internal cleansing at upang hindi na ang mga ito pamarisan pa.

Sinabi ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Benigno Durana, saklaw ng nasa­bing direktiba ang lahat ng mga istasyon ng pulisya sa buong bansa.

Ayon kay Durana, sinumang mga pulis na lalabag sa direktiba ng PNP Chief ay mahaharap sa kasong administratibo.

Ipinaliwanag ni Durana na walang nag-udyok o nakiusap kay Albayalde na muling ipatupad ang pagbabawal sa paghihilera o pagpaparada ng mga nasasakoteng suspect at sarili itong desisyon ng PNP Chief.

Magugunita na ang pagbabawal sa mga pulis na magparada ng mga suspek ay ipinatupad noong 2008 sa ilalim ng liderato ni dating PNP Chief ret. P/Director General Jesus Verzosa.

Nabatid na alinsunod sa Memorandum circular na iniakda ni Verzosa noong Oktubre 7, 2008, ipinagbabawal ang pagpaparada sa mga suspect sa mediamen dahilan isa umano itong paglabag sa karapatang pantao lalo pa at hindi pa napapatunayang guilty ang mga akusado dahilan nahuhusgahan na ang mga ito sa publisidad.

vuukle comment

NATIONAL POLICE COMMISSION

OSCAR ALBA­YALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with