^

Metro

Provincial bus drivers, 6 na oras lamang ang pagmamaneho- LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Provincial bus drivers,  6 na oras  lamang ang  pagmamaneho- LTFRB
Sinabi ni LTFRB Board Member Aileen Lizada, kung ang biyahe ng provincial bus ay mahigit sa anim na oras, kinakailangang may kasama itong alternate driver.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Hindi na papayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makapagmaneho ng mahigit sa anim na oras ang nag-iisang driver ng alinmang provincial bus na malayo ang destinasyon.

Sinabi ni LTFRB Board Member Aileen Lizada, kung ang biyahe ng provincial bus ay mahigit sa anim na oras, kinakailangang may kasama itong alternate  driver.

Anya, ang alternate driver ay hindi maaaring  konduktor ng provincial bus gaya ng nakakagawian ng iba.

“Maximum number of continuous hours ng mga drivers ay six hours lamang, kung in-excess of six hours ang trip, kailangan may alternate driver na po, at yung alternate driver ay hindi po yung konduktor,” pahayag ni Lizada.

Ang pahayag ni Lizada ay ginawa makaraang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang provincial buses  ang mamasada ng hanggang 12 oras at kailangan ay may karelyebo na ito sa pagmamaneho upang maiwasan ang anumang aksidente sa lansangan.

vuukle comment

DRIVER

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with