^

Metro

Free anti-rabies vaccine sa taga-QC, aprub sa Konseho

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglaan ang Quezon City  council sa pamumuno ni  Vice Mayor Joy Belmonte ng inisyal na P16 milyon halaga para pagkalooban ng free anti rabbies vaccine ang mga taga –lungsod.

Ito ay makaraang aprubahan ng konseho ang  Ordinance No. SP-2682, S-2018 na naglalayong mabawasan, kundi man   tuluyang mapigilan ang pagdami ng rabies infection sa lungsod matapos ang pagkamatay noong 2015 ng apat na residente na tinamaan ng virus na ito.

“Rabies is regarded as a significant public health problem as it is 100 percent fatal, though 100 percent preventable,” pahayag ni Belmonte.

Anya, 200 hanggang 300 Pinoy kada taon ang namamatay sa rabies.

Sinabi ni Belmonte, pala­ging mataas ang bilang ng rabies cases sa  QC  at noong  2015  pinakamataas ang QC sa buong  Metro Manila  sa mga kaso ng rabies na umaabot sa  17,796 kabilang na ang apat na namatay.

Base sa datos ng Department of Health (DOH), 1.3 mil­yong animal bites ang naitala sa buong bansa nitong 2016 at 209 dito ay namatay dahil sa rabies.

Kabilang sa ordinansa na akda ni 6th District Councilor Diorella Maria Sotto ang pagbibigay ng libre at kumpletong anti-rabies shots, kasama na ng counselling, Tetanus Toxoid immunization, at gamot sa lahat ng lehitimong residente ng lungsod na nakagat ng alagaing hayop tulad ng aso at pusa.

vuukle comment

FREE ANTI RABBIES VACCINE

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with