^

Metro

Jeepney driver, itinumba sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang jeepney driver sa loob mismo ng kanyang bahay, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Charles John Duran, ng MPD-Homicide section, nakilala ang biktimang si Angelito Samonte, 41, ng Mejorada St. Tondo, Maynila na nagtamo ng  tama ng bala ng baril sa kaliwang sentido.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas- 10:45 ng gabi sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Sa impormasyon nakuha sa isang saksi, narinig umano niya ang pagkatok at pagtawag ng suspek sa biktima ng “Gel buksan mo ang pinto”.

Hindi umano  binuksan ng biktima ang pinto kaya  pinagsisipa ito ng mga suspect hanggang makapasok sa loob. Narinig pa umano niya ang isa sa suspect na nagsalita na  “Pare positive si Angel dito”,kasunod  nito ay nakarinig na siya ng isang putok ng baril.

Iniimbestigahan ng pulisya kung may kinalaman sa iligal na droga ang motibo sa pagpaslang.

Nakuha rin sa pinangyarihan ng krimen ang isang sachet ng shabu,drug paraphernalia at isang basyo ng 9mm.

vuukle comment

JEEPNEY DRIVER

MPD-HOMICIDE SECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with