^

Metro

P20-M libel case isinampa ni Joel Cruz vs Kathelyn Dupaya

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maliban sa P40 milyon estafa case, P20 milyon libel case naman ang isinampa rin ng tinaguriang ‘Lord of Scents’ na si Joel Cruz laban sa negosyanteng si Kathelyn Dupaya sa Manila Prosecutors Office. Sa pana­yam kay Cruz, pawang mga kasinungalingan ang sinabi ni  Dupaya kung saan naapektuhan ang kanyang pro­dukto na ipinagmamalaki sa buong bansa. Hindi aniya maikakaila na merong mga negatibong reaksiyon laban sa produkto.

Aminado si Cruz na bahagyang bumaba ang sales ng kanilang produkto matapos na siraan ni Dupaya ang kanyang  ‘perfume’ na ini-export pa at nakatulong pa sa ekonomiya ng bansa. Aniya, nagbabayad din siya sa BIR at lahat ng dokumento ay kumpleto at maaaring silipin at tignan ng kinauukulan. Ayon naman sa legal­ counsel ni Cruz na si Atty. Ferdinand Topacio, self ser­ving ang ginawa ni Dupaya nang gumawa ito ng sari­ling ledger at excel documents upang may ipakitang dokumento.

Una nang nagsampa ng P40 milyon estafa si Cruz laban kay Dupaya matapos na umano’y takbuhan siya nito sa nakuhang pera ni Dupaya. Nabatid na uma­abot sa P29,750,000 at $200,000 ang nakuha ni Dupaya mula kay Cruz.

Bagamat nakapagbigay ito noong August, Sept., Oct. 2017 ng 6% hindi na ito nasundan pa. Pinilit ni Cruz na kausapin si Dupaya subalit hindi na ito nakipag-ugna­­­yan sa kanya. Naniniwala si Cruz na hindi na siya umano maba­bayaran ni Dupaya lalo pa’t patung-patong na ang pinagkakautangan nito sa Pilipinas at sa Dubai.

Dagdag pa ni Cruz, ang batas na lamang ang mag­­de­desisyon sa kaso at hindi pa rin niya naiisip kung ma­se-settle ang kaso sa kahit mag-sorry pa ito sa kanya.

vuukle comment

ESTAFA CASE

JOEL CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with