1, 444 MMDA personnel ikakalat sa pasukan
MANILA, Philippines — Nasa 1,444 personnel ang itatalaga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 4 dahil sa inaasahang trapik sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.
Sa press briefing kahapon, sinabi ni MMDA General Jojo Garcia, magdadag-dag ng pwersa o traffic personnel ang MMDA sa mga critical areas tulad sa mga university belt sa Maynila, Katipunan Road, EDSA at ang critical chokepoint areas tulad ng Cubao, Aurora at Balintawak Cloverleaf.
Bukod sa mga traffic enforcers, magtatalaga din ang MMDA ng mga miyembro ng Sidewalk Clearing Operations Group, Anti-Jaywalking Unit simula alas-6:00 ng umaga sa mga paaralan.
Magsasagawa ng 24-oras na monitoring ang MMDA Metro Base Command Cen-ter at nakaantanbay din ang Agila Mobile Base para sa CCTV cameras.
Bahagi pa rin ng programa ng Department of Education (DepEd) para sa Oplan Balik-Eskwela, tutulong ang mga miyembro ng Metro Parkways Clearing Group para sa paglilinis ng mga paaralan at sa besinidad nito.
- Latest