^

Metro

Crime rate sa MM, bumaba -- NCRPO

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumaba ang crime rate sa National Capital Region (NCR) kaugnay ng puspusang anti-criminality at anti-drug campaign ng kapulisan.

Ito ang ibinida ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Direc­tor Camilo Cascolan sa gi­nanap na forum sa Quezon City kahapon.

Sinabi ni Cascolan na simu­la nang manungkulan siya sa puwesto ay bumaba ang mga kaso ng mga index crimes na naitala mula Abril 16  hanggang Mayo 20 ng taong ito. Base sa record bumaba sa 1,255 ang mga krimen na kanilang nairekord na mas mababa sa 1,678 na krimen sa kaparehong period noong nakalipas na taon.

Ang index crimes ay nakatuon sa 8 krimen na kinabibilangan ng murder, homicide, rape, robbery, theft, physical injury, carnapping ng motor vehicle at carnapping ng mga motorsiko.

Sa rekord, 231 krimen ang naitala na kinabibilangan ng 11 kaso ng homicide, 21 murder, 38 physical injury, 15 rape, 41 robbery, 95 theft, 1 carnapping ng motor vehicle at siyam na insidente naman ng panga-ngarnap ng motorsiklo.

Sa tala naman ng Weekly Average Crime Trend ng NCRPO Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), lumalabas na ang Average Crime Rate ay bumaba ng 29.29%.

Binigyang diin ni Cascolan na paiigtingin pa ang police visibility at mobile patrol upang masawata kungdi man tulu-yang mapigilan ang mga nangyayaring kriminalidad sa Metro Manila.

vuukle comment

CAMILO CASCOLAN

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with