^

Metro

Checkpoint tinakasan, lider ng robbery group utas

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi ang hinihinalang lider ng isang robbery hold-up group matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala lamang ang nasawi sa alyas Epoy na namatay noon din bunga ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan. Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Northern Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), National Capital Region (NCR) sa pangunguna ni Chief Insp. Michael John Villanueve na may plano umano ang  grupo ni Epoy na mangholdap sa  may North Caloocan.

Dahil dito, kaagad nakipag-ugnayan ang CIDG sa Caloocan Police Community Precinct 6 saka nagsagawa ng checkpoint sa kahabaan ng Saranai Village, Brgy. 171, Bagumbong. Dito na namataan    ang suspect na lulan sa isang motorsiklo kasama ang isang tauhan ala-1:43 kahapon  ng madaling araw.

Sa halip na huminto sa checkpoint, biglang nag-u-turn ang motorsiklo at humarurot para tumakas kaya hinabol ito ng mga pulis, subalit bumaba ang back rider at pinaputukan ang mga operatiba na napilitan namang gumanti ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng suspect habang nakatakas ang kasama nito.

vuukle comment

ROBBERY GANG DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with