^

Metro

Ilegal na istraktura giniba, 95 sasakyan hinatak

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Ilegal na istraktura giniba,  95 sasakyan hinatak
Ang operasyon ay pi­na­ngunahan ni MMDA Chairman Danilo Lim at inin­speksyon ng mga tauhan ng Sidewalk Clearing Operations Group at Task Force Special Operations ang Dinalupihan Street sa Tondo na sakop ng Barangay 206, Zone 19, District II sa Maynila.
Edd Gumban

Clearing Ops ng MMDA sa Tondo

MANILA, Philippines — Giniba ng Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) ang mga iligal na istraktura na nakahambalang sa daloy ng trapiko habang 95 na sasakyan ang nahuli sa isang clearing operation na isinagawa sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Ang operasyon ay pi­na­ngunahan ni MMDA Chairman Danilo Lim at inin­speksyon ng mga tauhan ng Sidewalk Clearing Operations Group at Task Force Special Operations ang Dinalupihan Street sa Tondo na sakop ng Barangay 206, Zone 19, District II sa Maynila.

Hinatak ang mga iligal na nakaparada sa kalsada at tinanggal ang mga tolda at mga tindahan na nasa bangketa.

 “Marami kaming nata­tanggap na reklamo sa lugar na ito patungkol sa mga obstruction sa daan kaya’t dapat itong maaksyunan para lumuwag ang kalsada at mabigyan ng ligtas na lakaran ang mga pedestrian,” ani Lim.

Binigyan din ni Lim ang papaalis at bagong halal na kapitan ng barangay ng pitong araw para mag-demo-lish ng mga istruktura kabilang ang barangay hall na nasasakop na ang bangketa.

Nangako namang ma­kiki­pagtulungan sina Eder­linda Mercado at Romeo Marcellano, ang papaalis at bagong halal na kapitan, para malinis ang kanilang lugar.

“Gigibain namin sa loob ng pitong araw ang lahat ng iligal na istraktura sa aming lugar,” pangako ng dalawang opisyal.

Ayon naman kay Lim, muling bibisitahin ng MMDA ang lugar matapos ang  isang linggo para matiyak na ang ipinangakong demolisyon at paglilinis ay naisagawa.

Hinimok din ni Lim ang lahat ng mga bagong halal na opisyal ng barangay na gamitin ang kanilang kapangyarihan at makipagtulungan sa gobyerno para maiwasan ang mas malaking problema sa trapiko sa hinaharap.    

vuukle comment

CLEARING OPERATION

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with