^

Metro

Suspek sa pagpatay sa pulis-Cainta, dedo sa barilan

Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

1 pa timbog

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang isa sa mga suspek sa pagpaslang sa isang opisyal ng Cainta Police noong Pebrero habang arestado naman ang isa pa nang manlaban ang mga ito habang isinisilbi ang manda­miento-de-aresto laban sa kanila sa Brgy. San Andres sa Cainta, Rizal kamakalawa ng hapon.

Tumimbuwang noon din sanhi ng mga tama ng bala ng baril ang suspek na kinilalang si Samual Ga habang ang inares­tong kasamahan nito ay kinilalang si Conrado Abiog alyas “Junior”.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-5:15 ng hapon, sa pangunguna ni C/Insp. Patricio Corcha ng Cainta Police nang tunguhin nila ang tahanan ng suspek sa Blk.4, Rd 7, Planters, West Floodway sa naturang lugar upang isilbi ang arrest warrant laban kay Ga.

Nang malapit na umano ang arresting team sa bahay ng suspek ay sinalubong sila ng mga putok ng baril dahilan upang gumanti ang mga pulis na nagresulta naman sa agarang pagkamatay ni Ga.

Matapos ang shootout ay isang informant naman ang nagturo sa kinaroroonan ni Abiog dahilan upang ito ay maaresto.

Ayon naman kay Ca­labarzon Police Dir. C/Supt. Guillermo Eleazar, sina Ga at Abiog ay miyembro umano ng kilabot na grupo ng Highway Boyz na pawang mga tulak ng droga at responsable sa pagpaslang sa isang opisyal ng Cainta Police na si Senior Insp. Jimmy Senosin noong nakaraan Pebrero 11 ng taong ito.

Narekober naman mula sa mga suspek ang isang kalibre 45 pistola at 23 sachet ng pinaghihinalaang shabu.  

vuukle comment

CAINTA POLICE N

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with