^

Metro

Grade 10 student, utas sa kaibigan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang grade 10 student ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang kaibigan na isa ring menor-de-edad, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nasawi habang ginagamot sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Rafael Don Sy, 18, ng Col. Santos St., Brgy. South Cembo ng naturang siyudad.

Nasa custody naman ng Makati City Police ang suspect na isang 15-anyos, isa ring estudyante.

Sa pagsisiyasat ng  Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police, naganap ang insidente alas-6:30 ng gabi sa Malvar St., Brgy. South Cembo ng naturang siyudad.

Ayon sa ina ng biktima na si Manuela, laking gulat niya nang makita niyang duguan ang anak at dahil dito ay mabilis nilang isinugod sa naturang ospital, subalit nalagutan din ito ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Napag-alaman pa ng ginang, na ang sumaksak at nakapatay sa kanyang anak ay mismong ang sarili nitong kaibigan.

Dahil sa menor-de-edad ang suspect, nakatakda itong ilipat sa tanggapan ng DSWD.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naturang pa-nanaksak sa biktima. 

vuukle comment

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GRADE 10 STUDENT A

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with