^

Metro

P.2-M shabu nasamsam: 13 katao arestado

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa P215,000 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa 13 katao na dinakip sa isinagawang buy-bust operation nang pinagsanib na pwersa ng District Drug Enforcement Unit, District Special Operation Unit ng Southern Police District (SPD) at Police Community Precinct-2, Taguig City Police kamakalawa.

Ayon sa hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. Alex Santos, alas-4:00 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang mga pulis sa Road 14, Maguindanao Extension Purok , Brgy. New Lower Bicutan ng nasabing lungsod.

Nabatid na isa sa mga pulis ang nagpanggap na poseur  at nang magpositibo ay dito na dinakma ang mga suspect ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspect ang walong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P215,000, isang kalibre .45 baril, ma-gazine na may lamang anim na bala, buy-bust money at drugs paraphernalia.

Agad na dinala sa nasabing himpilan ng pulis­ya ang mga suspect at sa­sampahan ang mga ito ng kasong pag-labag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange-rous Drug Act of 2002, Omnibus Election Code at PD 6102 o Illegal Gambling sa piskalya.

vuukle comment

SHABU BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with