^

Metro

Dating gumagamit ng droga, inutas sa loob ng jeep

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki na dating gu­magamit ng droga ang nasawi habang nasa kritikal naman na kondisyon ang kasama nito nang pagbaba­rilin ng riding-in-tandem habang natutulog sa isang nakapa­radang jeep kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa dibdib buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktimang si Ronaldo Albo Padillo, 47, ng Pasong Tamo St., ng naturang lungsod.

Ginagamot naman sa Ospital ng Makati ang kasama nitong si Lorenz Dulon, na nagtamo rin  ng tama ng bala sa katawan.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspect at nagsasagawa pa ng follow-up operation dito.

Sa report na natanggap ng hepe ng Makati City Police na si Police Sr. Supt. Gerry Umayao, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling araw sa isang nakaparadang jeep sa kahabaan ng Bara­suain St., Brgy. Olympia ng naturang lungsod kung saan natutulog ang mga biktima nang dumating ang isang motorsiklong walang plaka lulan ang mga suspect.

Walang salitang pina­ula-nan ng bala ang mga natutulog na biktima, na naging sanhi ng agarang kamatayan ni  Padillo at si Dulon naman ay mabilis na dinala sa naturang ospital ng ilang taong naroroon.

Pagkatapos nang pama­maril ay mabilis na tumakas ang mga suspect.

Aminado naman ang kapatid ni Padillo na si Dulce Averilla, na dating gumagamit ng ilegal na droga ang biktima, subalit matagal na aniyang tumigil ito. Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang naturang pamamaril.

vuukle comment

DROGA

IDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with