^

Metro

‘Ako lang ang siga’!

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilatag na ng bagong upong director ng Bureau of Corrections (BuCor) Retired General Ronaldo “Bato” Dela Rosa” ang mga bagong polisiya na ipatutupad nito sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sinabi kahapon  ni Dela Rosa, bilang bagong director ng BuCor, nakapokus siya sa pagsugpo ng droga at kampanya kontra katiwalian sa loob ng bilibid.

Binalaan nito ang mga preso lalo na ang mga itinuturing na mga high profile inmates  kabilang dito ang mga drug lords, na huwag sisiga-siga sa loob ng Bilibid, dahil siya lamang aniya ang siga dito.

Kung hindi susunod ay may kalalagyan aniya ang mga ito kapag hindi pa tumigil sa kanilang mga iligal na gawain sa loob.

Sa kanya aniyang admistrasyon ay hindi  uso ang duwag na empleyado sa  BuCor, na dapat ang matakot sa kanila ay ang mga drug lord.

Kung tutuusin aniya ay madali lamang silang patayin dahil nasa kulungan sila.

Nais din makaharap nang personal ni Dela Rosa ang mga itinuturing na  “big time drug lord” para malaman kung talagang matatapang ang mga ito.

Hinimok ng dating PNP chief,  na huwag matakot magsumbong ang mga bantay at empleyado kung may korapsyon at may iligal  sa loob ng nasabing piitan.

Puntirya rin ni Dela Rosa para kalusin ang mga tiwaling kawani at prison guard ng NBP, na nababayaran at nakikipagsabwatan sa mga presong gumagawa ng iligal sa loob.

Hindi naman maipapangakong maibibigay ang salary standardization o umento sa sahod ng BuCor personnel pero gagawan daw niya ito ng paraan para tumaas ang sahod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with