^

Metro

1.5-M miyembro ng INC, nakiisa sa Walk to Fight Poverty

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
1.5-M miyembro ng INC, nakiisa sa Walk to Fight Poverty
Tinatayang umabot sa 1.5 milyong bilang ng miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang na­kibahagi kahapon sa World Wide Walk to Fight Poverty sa Maynila.
(Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Tinatayang umabot sa 1.5 milyong bilang ng miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nakibahagi sa World Wide Walk to Fight Poverty sa Maynila kahapon, ayon sa pulisya. Bitbit ang mga flaglets at nakasuot ng puti, nagtungo ang grupo sa Roxas Boulevard para sa charity walk na isinagawa para makatulong sa mga mahihirap sa Africa. Mula pa sa iba’t ibang lugar ang mga kasapi ng INC na lumahok sa walkathon, kabilang ang mga bata at matanda.

“Mula [ako] sa Golden Acres sa Las Piñas, once in a lifetime ito kaya masaya akong nakasama ako rito,” kuwento ng isang 64-anyos na si Flora Onio,

“Kasama ko buong pamilya ko, active kami sa simbahan, para ito sa Africa,” dagdag ng isa pang INC member na si Ronald Abello.

Ayon sa Manila Police District, kasama sa mga nakisali sa event sina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, Presidential Communications Secretary Martin Andanar at Senador JV Ejercito.

Nangailangan naman anila ng medical attention ang nasa dalawampung participants dahil sa pagkahilo at hypertension.

Isasagawa ang World Wide Walk to Fight Po­verty sa 300 lugar sa buong mundo.

Ito ang ikalawang beses na ikinasa ang event, na unang idinaos noong 2014 para tulungan ang mga biktima ng Bagyong Yolanda.

vuukle comment

IGLESIA NI CRISTO

WORLD WIDE WALK TO FIGHT POVERTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with