NCRPO inalerto sa Brgy., SK elections
MANILA, Philippines — Inilagay sa full alert status ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang buong Kalakhang Maynila dahil sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections nitong darating na Mayo 14 ng taong kasalukuyan.
Sabi ng director ng NCRPO na si General Camilo Cascolan, ito ay upang tiyakin na maging mapayapa ang halalan.
Sinabi ni Cascolan hindi ito bago sa kanila at naging matagumpay naman aniya ang pagpapatupad nila sa seguridad sa mga nakaraang halalan.
“This task is not new to us. We have been successful in securing the previous elections, we have proven our organizational capability by our previous gains and accomplishments nevertheless, we are not complacent with those gains. Rather, we set them as our benchmarks to further improve our security coverage and upgrade the quality of policing,” ani Cascolan.
Base sa record ng NCRPO Regional Election Monitoring and Action Center, simula noong April 14 hanggang Mayo 2, 2018, nasa 2,610 COMELEC checkpoints na ang kanilang inilatag sa buong Metro Manila.
Nagresulta ito sa pagkakadakip sa 219 indibiduwal dahil sa paglabag sa anti Omnibus Election Code, pagkakumpiska ng 90 assorted firearms, 4 granada, 5 baril-barilan, 117 patalim at 359 mga bala.
Nanawagan si Cascolan sa publiko na panatilihin ang kapayapaan sa panahon ng halalan at makiisa sa kanilang kampanya kontra kriminalidad.
- Latest