^

Metro

Seguridad sa Worldwide Walk to Fight Poverty ng INC. kasado na!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Manila Police District (MPD) na handa na sila sa pagbibigay seguridad sa gaganaping Worldwide Walk to Fight Poverty ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo bukas.

Sinabi ni MPD Public Information Office chief, Supt Erwin Margarejo na nakalatag na ang operational guidelines at secu-rity measures sa pakikipag-ugnayan sa National Capital Region Police Office (NCRPO), pamahalaang lungsod ng May­nila, organizing committee at   iba pang ahensiyang nakiki-pagtulungan sa nasabing event.

Inaasahan ang pagdalo ng nasa 1.2 milyong INC members na gaganapin sa Quirino Grandstand, sa Luneta sa Linggo (Mayo 6). Layunin ng aktibidad na labanan ang kahirapan at iangat ang kabuhayan ng mga mamayan hindi lamang ng kanilang mga miyembro.

Magsisimula ang paglala­kad mula sa Pasay City patungo sa Rizal Park alas-4:00  ng madaling-araw. Nasa 3,000 kapulisan ang ikakalat sa bisinidad ng Quirino Grandstand at sa mga daraanan ng paglalakad.

Ilang lansangan din ang isasara kabilang na ang east at westbound lane ng P. Burgos mula sa Roxas Boulevard hanggang sa Lagusnilad; magkabilang lane ng Finance Road mula sa Taft Avenue patungo sa P. Burgos;  east at westbound lane ng TM Kalaw mula sa Taft Avenue hanggang sa Roxas Boulevard; westbound lane ng President Quirino, mula sa Taft Avenue hanggang sa Roxas Boulevard; north at southbound lane ng Bonifacio Drive ng mula sa Anda Circle patungo sa  P. Burgos hanggang sa P. Ocampo.

Magkakaroon rin ng  rerou-ting sa mga motorista.   

vuukle comment

IGLESIA NI CRISTO

MANILA POLICE DISTRICT

WORLDWIDE WALK TO FIGHT POVERTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with