^

Metro

Duty ng mga pulis sa NCRPO, ibabalik sa 8-oras

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibabalik na ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Camilo Cascolan ang walong oras na  duty sa mga  kapulisang nakatalaga sa Kalakhang Maynila.

Sa kasakukuyang patakaran 12-oras ang duty ng mga pulis, subalit ibabalik na ito sa 8-hours duty para aniya mas  mabilis na makakapag-responde ang mga ito kapag may insidente ng krimen.

Higit na  mapapabuti ng mga ito ang kanilang trabaho bilang mga alagad ng batas kapag bumalik  sila sa 8 hours duty.

Ang 8 hours duty aniya ay siyang tamang oras na pasok ng isang kawani base  sa Civil Service Commission  ruling.

Nabatid pa kay Cascolan, na sa 8 hours duty ay obligado ang isang pulis na pumasok ng kanyang trabaho araw-araw.

Bukod dito ay ipatutupad din niya,  na kung saan nakatira ang isang pulis ay dapat sa malapit na headquarters o police  station siya naka-assign upang hindi ito ma-late sa pagpasok.

Kung may insidente naman na taga CAMANAVA ang isang pulis at nakatalaga siya sa Pasay at ayaw niyang umalis dito, pwede naman aniya.

Subalit segurihin aniya ng pulis na ito na hindi siya mali-late sa kanyang trabaho at darating siya sa takdang oras  ng kanyang duty para hindi siya makasuhan.

Ayon pa kay Cascolan, ibabalik niya ang pagpapatupad ng “anti-wang-wang”, dahil marami  na naman aniyang luma­labag dito.

vuukle comment

CAMILO CASCOLAN

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

WALONG ORAS NA DUTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with