^

Metro

2 arestado sa P20-M shabu package

Evelyn Macairan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa ang inaresto sa hiwalay na controlled deli­very operations na isinagawa ng Bureau of Customs at PDEA matapos nitong i-claim ang parcels na nag­lalaman ng P20 milyong halaga ng illegal drugs.

Kinilala ni BOC Commissioner Isidro Lapeña ang mga nadakip na sina Antonio Lobiano Baguinbin, 38, ng Sta. Ana, Manila at Gundelina David, 44 ng Pedro Gil St., Malate, Manila.

Sinabi pa ni Lapeña ang packages ay sumailalim sa controlled delivery para kilalanin ang mga perso­nalidad na dawit sa importasyon ng ilegal na droga.

Nauna rito, nagsagawa  ang mga tauhan ng BOC, PDEA at agents buhat sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Force  ng controlled delivery operation base sa impormasyon na ibi­nigay ng US Drug Enforcement Administration (DEA).

Si Baguinbin ay dina­kip dahil sa umano’y pag-import ng may dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10 milyon na inilagay sa package at idinekla­rang home furniture-car seat booster. Natunton sa package ang naturang mga droga.

Ipinadala ito ng isang Schiit Audio buhat Valencia, California. Ang orinihal na consigne ay isang Arnel Montilla ng Montojo St., Makati City.

Habang si David ay dinakip matapos mag-import ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10 milyon na ang parcel ay idineklarang baby crib.

Ang package ay ipinadala ni Robert Knight ng California sa isang Phoy M. Dela Cruz na may address sa Pedro Gil, Maynila.

Kapwa nagprisinta ang dalawa ng ID  ng mga consignees, ang dalawa ay nasa kustodya na ng PDEA at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with