^

Metro

Tambay arestado sa gun ban

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan dahil sa umiiral na Comelec gun ban at iba pang kasong kriminal ang isang 23-anyos na tambay nang matiyempuhan ng mga operatiba ng Manila Police District-Station 2 sa isinagawang Anti-Criminality Campaign habang nagsisigaw at naghahamon ito ng away sa panulukan ng Wagas at Sandico Sts., sa Tondo, kahapon ng madaling araw.

Nakorner at dinisarmahan ng team sa pangunguna ni S/Insp. Federico Mateo, ang suspek na si Aldrin Orale, residente ng No. 313 Masinop St., Tondo, sa hawak na improvised shotgun na kargado ng isang bala, dakong alas-4:00 ng madaling araw, sa nasabing lugar na sakop ng Barangay 36.

Bukod sa kinakaharap na paglabag sa Alarm and Scandal, Omnibus Election Code in relation to 10591 ay  nadagdagan pa siya ng reklamong Section 11 Article 2 ng Republic Act 9165 dahil sa nakuha sa kaniyang bulsa ang isang plastic sachet ng shabu.

Nabatid na nagsisigaw ang suspek kaya mabilis na nakuha ang atensiyon ng mga nagpapatrulyang pulis.

vuukle comment

COMELEC

GUN BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with