^

Metro

10 miyembro ng Aegis Juris, pinaaaresto ng korte

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaaaresto na  ng Manila Regional Trial Court ang 10 miyembro ng Aegis Juris Fraternity na kinasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law dahil sa pagkamatay ng first year law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Sa ipinalabas na kautusan ni Manila Regional Trial Court Branch 40 Presiding Judge Alfredo Ampuan, kasama sa ipina-aaresto sina Mhin Wei Chan, Jose Miguel Salamat, John Ro­bin Ramos, Marcelino Bag­tang Jr., Arvin Balag, Ralph Trangia, Axel Munro Hipe, Oliver Onofre, Joshua Macabali at Hans Matthew Rodrigo.

Base sa kautusan na may petsang March 22, 2018, ang paglabag sa Section 4 paragraph A ng Republic Act 8049 o Anti Hazing Law ay isang non-bailable offense dahil ang katapat nitong parusa ay reclusion perpetua.

Ang probisyon ay tumutukoy sa hazing rites na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.

Ayon sa korte, nakitaan nila ng probable cause ang inihaing kaso ng Department of Justice (DoJ) kaya may pangangailangan na malagay ang mga akusado sa kustodiya ng mga awtoridad para matiyak ang paggawad ng katarungan.

Napatunayan sa autopsy na hazing ang ikinamatay ni Castillo  na law student ng University of Santo Tomas.

Sinasabing inatake sa puso si Atio dahil sa “massive injury” mula sa hazing, ayon kay Dr. Milagros Provador ng MPD Scene of the Crime Operatives.

Kabilang aniya sa mga tinamong injury ni Castillo ang hematoma o pamumuo ng dugo sa magkabilang braso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with