^

Metro

‘Safe Trip Mo, Sagot Ko program’ inilunsad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon ng Metro Pacific Tollways ang programang ‘Safe Trip Mo, Sagot Ko’.

Ito ay bunsod ng inaasahang pagdagsa ng publiko mula sa Metro Manila pa­tungo sa mga lalawigan bunsod ng na­lalapit na paggunita sa Mahal na Araw.

Ayon sa Metro Pacific Tollways, magbibigay sila ng ayuda sa mga motoristang makakaranas ng aberya sa kanilang biyahe.

Ipapatupad ang programa sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at Cavite Ex­pressway (CAVITEX).

Sa ilalim ng programa, magtatayo ng motorist camps sa SCTEX na matatagpuan sa Floridablanca Rest bay para sa mga motoristang bibiyahe patungong Subic mula Marso 28 hanggang 29.

Sa nasabi ring lugar itatayo ang moto­rist camps para sa mga Tarlac bound mula Marso 28 hanggang Abril 1.

Ang mga naturang motorist camp ay mayroong Mechanic Service at First Aid Assistance mula alas-6:00 ng umaga hang­gang alas-6:00 ng gabi.

Maglalagay din ng information at help­desks sa mga gasoline stations sa kaha­baan ng NLEX at SCTEX, sa mga nabanggit ding petsa.

Ang naturang assistance program ay magkakaloob rin ng 24-hour free towing services para sa mga class 1 vehicles sa panahon ng Semana Santa. 

“We are implementing a more exten­sive SMSK starting this Holy week to fur­ther improve our services for safe and con­venient travel to our motorists trave­ling between Metro Manila and Central and North Luzon provinces”, pahayag ni MPTC President at CEO Rodrigo Franco.

Simula sa susunod na linggo ay mag­sisimula nang mag-uwian ang mga residente ng Metro Manila, na nais gunitain ang Mahal na Araw sa kani-kanilang lala­wigan.

Inaasahan namang mula Sabado de Gloria hanggang Linggo ng Muling Pag­kabuhay ay muli silang bibiyahe pabalik ng Metro Manila. - Mer Layson

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with