^

Metro

Joy B, nakiisa sa Davao organic expo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang pagsuporta sa programa ng pamahalaan na isulong ang mga lokal na produkto, nakiisa si  Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa tatlong araw na trade fair sa Davao City kung saan kanyang tinampok ang sarili niyang clothing line mula sa mga tradisyonal na Yakan wea­vers sa Mindanao.

Kasama ang kanyang kaibigan at business partner sa Linea Etnika fashion company na si Louie Lobregat, sinabi ni Belmonte na isang karangalan ang maimbitahang sumali sa Organic and Natural Expo (ONE) o ONE Mindanao na ginanap sa SMX Convention Center sa Lanang mula Marso 17-19, na di­naluhan ni Pangulong Duterte.

“Mindanao has a lot to offer when it comes to tra­ditional and organic pro­ducts, and this activity is one good step to raise public awareness on the benefits and availability of natural and organic products in the market,” ani Belmonte.

“Through One Minda­nao, our government will be able to help local farmers­ and micro, small and medium entrepreneurs. We at Linea Etnika are proud to be part of this event,” dagdag pa niya.

Pormal na binuksan ni Duterte nitong Sabado ang naturang trade fair na nilahukan ng 60 exhibitors, kabilang na ang Linea Et­nika ni Belmonte at Lobregat.

Mainit na tinanggap ni Duterte si Belmonte at tinaas pa niya ang kamay nito. Una nang nagpahayag si Belmonte ng kanyang planong pagtakbo bilang alkalde ng Quezon City sa darating na 2019 elections.

Bukod sa mga organic food products, ang One Mindanao trade fair na inor­ganisa ng Department of Agriculture (DA) ay nagtampok din ng iba’t ibang tradisyonal na produkto mula sa iba’t ibang lalawi­gan sa Mindanao.

Tinayo ni Belmonte at Lobregat, anak ni Zamboanga City Rep. Celso Lobregat, ang Linea Etnika upang buhayin ang tra­disyonal na Yakan weaving­ at mabigyan ng mas ma­ayos na pamumuhay ang mga kababaihan sa Mindanao at sa Quezon City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with