‘Ride for Joy’ kontra droga, inilunsad
MANILA, Philippines — Inilunsad ng iba’t ibang transport groups ang ‘Ride for Joy’ bilang pagsuporta ng transport sector sa kampanya ni QC Vice MAyor Joy Belmonte kontra illegal drugs.
Ayon sa Metro Manila Hatchback Car Community na bukod sa gagawing pangangalaga sa mga pasahero ay titiyakin ng kanilang grupo na drug free ang kanilang hanay.
Pormal nang nag-courtesy call kay Belmonte ang mga opisyal ng naturang samahan na layong tumulong sa pagpapalaganap ng mga kampanya ng tanggapan ng una laban sa ilegal na droga.
Kaugnay nito, nagpahayag din ng suporta kay Belmonte ang Stop and Go Coalition transport group na may programang ‘Manibela Kontra Droga’ upang makiisa sa layunin ng una na maging drug cleared ang QC.
Tatayong legal team nito ang Lawyers for Joy ni Atty. Raji Mendoza at Atty. Ariel Inton.
Sa ngayon, mahigit 20 barangay na ang drug cleared sa Quezon City.
- Latest