^

Metro

4 na bagong school building, tinurn-over ni SB at Joy B sa DepEd

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang nailagak nina Quezon City Congressman Feliciano Belmonte at anak na si QC Vice Mayor Joy Belmonte ang tatlong vocational-technical school building at isang auditorium kay Department of Education Secretary Leonor Briones sa Roces School  sa Brgy. Obrero kamakalawa.

Ang vocational technical school ay kauna-unahang Alternative Learning Center  sa QC at ang auditorium ay maaaring magamit sa malakihang okasyon sa paaralan at barangay.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Congressman Belmonte na isa sa programa niya ang mapahusay ang kalidad ng edukasyon  kayat minabuting ipatayo ang mga istraktura upang mapakinabangan ng  mas nakarara-ming mga kabataan na siyang mamumuno sa bansa sa paglipas ng panahon.

Taus-puso namang nagpasalamat si Briones sa tulong na ipinagkaloob sa kanila ni Congressman Belmonte.

Sinabi naman ni Vice Mayor Belmonte na kung papalarin na maitaas ang posisyon, hangarin din niyang mapahusay pa ang kalidad ng edukasyon sa QC sa pamamagitan din ng pagkakaloob ng dagdag na learning center sa mga kabataang mag-aaral at susuporta sa K12 program ng pamahalaan.

Ang lokal na pamahalaan naman anya ng QC ay palagiang sumusuporta sa mga adhikain ng DepEd na matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral tulad ng mga school building.

Ang okasyon ay dinaluhan din nina QC police chief Guillermo Eleazar, mga konsehal at iba pang opisyal ng DepEd at mga guro at mag-aaral ng Roces  School sa lungsod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with