^

Metro

Balasahan sa MTPB tuluy-tuloy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang gagawing balasahan ng Manila Traffic and Parking Bureau sa mga task force sa lungsod upang maiwasan ang pangongotong.

Ito ang tiniyak ni MTPB Director Alcoreza upang mas maging maayos ang daloy ng mga sasakyan sa iba’t ibang lugar sa  lungsod.

Ayon kay Alcoreza, sa pamamagitan ng reshuffle ay  hindi mapa-familiarize ang mga  traffic enforcers sa mga driver o motorista at mga pampublikong sasakyan.

Nabatid din kay Alcoreza na joint enforcement  kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang magsasagawa ng  panghuhuli sa mga pasaway na motorista.

Aniya, mahigpit ang kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada na suportahan si MMDA Chairman Danny Lim na suportahan ang kampanya nito upang mapaluwag ang mga kalsada.

Sa dami aniya ng mga sasakyan, kailangan na  buksan ang mga alternate route. Inooperate na rin nila ang mga  kalsada na may obstruction. Dadalhin ang mga nahatak sa Manila Zoo.

Maging ang mga vendors ay kailangan ding  higpitan dahil isa rin ito sa mga nakakadagdag sa pagsisikip ng mga kalsada.

Inoorganisa na rin nila ang mga TODA sa lungsod upang hindi maging perwisyo sa iba pang mga motorista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with