March 28, walang pasok sa Manila City hall
MANILA, Philippines — Idineklarang walang pasok ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Marso 28, 2018.
Sa inisyung memorandum mula sa tanggapan ng Office of the Mayor, at pirmado ni City Administrator Atty. Ericson Alcovendaz, ang deklarasyon ay pagbibigay pagkakataon sa mga empleyado na makapaghanda sa Mahal na Araw.
Inaasahang maraming empleyado ng city hall ang uuwi ng probinsiya upang doon gunitain ang Holy Week.
Nasa pagpapasya naman ng mga pribadong kompanya kung idedeklara ring non working holiday ang Marso 28.
Paalala naman ni Estrada, magnilay-nilay at isapuso ang Kuwaresma upang maging isang mabuting tao.
- Latest