^

Metro

Pagligo sa Manila Bay pigilan, bacteria iwasan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayong simula na ang tag-init, pinaalalahanan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang publiko sa paliligo sa Manila Bay at ang tinatawag na Baseco Beach.

Ayon kay Estrada, iba’t ibang bacteria ang naku­ku­ha ngayon sa Manila Bay bunsod na rin ng mga basu­rang  itinatapon dito.

Nabatid na nakakita ang Manila City Health department (MCHD) ng bacteria sa tubig ng Manila Bay.

Sinabi ni Estrada na ordi­nansa ang pagbabawal ng paliligo  sa  Manila Bay bunsod na rin ng panganib na idudulot  ng tubig sa kalusugan.

Inatasan din ni Estrada si Manila Police District (MPD) chief, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel na magpuwesto ng mga pulis upang magbantay sa lugar at pagbawalan ang mga tao na maligo dahil sa maruming tubig-dagat.

Binanggit ng alkalde na maraming public swimming pools sa lungsod na doon ay maaaring maligo at magpalamig at makaiiwas pa sa  bacteria.

Nabatid mula sa Department of Environment and Na­tural Resources (DENR) na matagal na itong nag-isyu na masyadong marumi ang tubig sa Manila Bay at Baseco dahil ang paliligo rito ay posibleng maging dahilan ng maraming sakit.

Kabilang dito ang Dapitan Sports Complex, Paraiso ng Batang Maynila sa A. Mendoza Ave. (Andalucia Sports Complex), Bagong Buhay pool sa may Pedro Gil infront of La Concordia, Tondo Sports Complex sa District 1, at sa Jacinto Ciria Cruz Sports Complex sa may Selya St. sa Pandacan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with